Pangulong Duterte, malaki ang utang na loob sa China dahil sa libreng COVID-19 vaccines

Isang mabuting kaibigan ang China.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paninindigang hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.


Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo.

Hindi niya ipapadala ang mga sundalo sa giyerang hindi mananalo ang bansa.

Binigyang diin pa ng Pangulo na hawak na ng China ang lugar mula nang umatras ang Pilipinas noong nakaraang administrasyon.

Gayumpaman, umaasa si Pangulong Duterte na maiintindihan ng China ang katayuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang sitwasyon sa lugar ay nag-e-“evolve” kaya kailangang tingnan at hintayin ang ginagawa ng China sa lugar.

Sakaling paalisin ang mga barko sa ating teritoryo, hindi papayag ang Pangulo rito.

Facebook Comments