Manila, Philippines – Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malayong magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maging marahas ang isasagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa darating na Setyembre a-21 o sa anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Lorenzana sa Mindanao hour sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kung magkakaroon talaga ng kaguluhan sa kalsada at maging resulta ng kaguluhan sa buong bansa ay possible ito.
Pero binigyang diin ni Lorenzana na malayong malayong gawin ito ng Pangulo.
Paliwanag ng kalihim, malayo naman kasing maging nationwide ang o buong bansa ang maapektuhan ng isasagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo.
Ang pinagiisipan aniya ng pangulo ay magkansela ng pasok sa gobyerno dahil posibleng maapektuhan ang pagpasok ng mga empleyado ng pamahalaan dahil narin sa posibleng trapik na epekto ng maraming kilos protesta.
Pangulong Duterte, malayong magdeklara ng martial law sa harap ng maraming kilos protesta sa Setyembre 21
Facebook Comments