Pangulong Duterte,  mali ang interpretasyon sa nilalaman ng Saligang Batas tungkol sa EEZ

Mali ang interpretasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nilalaman ng Saligang Batas tungkol sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ni dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa pahayag ng pangulo na walang bansa sa daigdig ang may soberanya sa EEZ.

Sa ilalim ng Fisheries Code, maaaring pagmultahin ang mga Foreign Vessel na papasok sa EEZ ng bansa.


Bukod dito, nakasaad din sa ruling ng arbitral tribunal na Pilipinas lang ang may karapatan sa Reed Bank.

Naniniwala din si Hilbay na impeachable offense kung hindi mapo-protektahan ni Pangulong Duterte ang teritoryo ng bansa.

Gayunman, aminado siya na may proseso at nakadepende sa suporta ng Kongreso kung mai-impeach ang pangulo.

Una nang sinabi ng Malacañang na mayorya ng nasa Kongreso ay kaalyado ng administrasyon kaya malabong mapatalsik ang pangulo.

Facebook Comments