Posibleng magsagawa ng “Talk to the People” briefing si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Huwebes Santo (April 1).
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng i-urong ito sa susunod na linggo dahil sa paggunita ng Semana Santa.
Gusto kasi ng Pangulo na magkaroon ng public address pero umapela ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipagpaliban ito.
Sinabi rin ni Roque na mayroong meeting ang IATF sa Sabado de Gloria para pag-usapan kung palalawigin ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble.
Sa ngayon, hinihintay nila kung papayag si Pangulong Duterte sa kanilang apela na ipagpaliban ang kanyang public address.
Facebook Comments