Pangulong Duterte, mapipikon din kung magtutuloy-tuloy ang pag-atake ng NPA

Manila, Philippines – Nagbabala si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa pamunuan ng Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF na huwag sagarin ang pasensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Panelo matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng NPA sa tropa ng Gobyerno sa ibat-ibang bahagi ng bansa kung saan kabilang dito ang enkwertro sa pagitan ng NPA at ng Presidential Security Group sa Arakan North kotabato at pagpatay sa dalawang sundalo sa Palawan.

Ayon kay Panelo, kahit na sinong Presidente ay mapipikon kung magpapatuloy ang pag-atake ng mga rebelde sa pamahalaan sa kabila ng pagsisikap na maipagpatuloy ang usapang pangkayapayaan.


Hindi naman naniniwala si Panelo na hindi alam ng liderato ng NDF ang ginagawa ng kailang armed group sa ground.
Paliwanag ni Panelo, mayroon paring control ang liderato sa kanilang mga tauhan sa baba.

Matatandaan na pinahinto muna ni Pangulong Duterte ang usapan sa pagitan ng Gobyerno at ng CPP NPA NDF hanggang hindi ito himihinto sa mga iligal na gawain lalo na ang pagatake sa tropa ng gobyerno at pangingikil o ang tinatawagn na pangongolekta ng revolutionary tax.

Facebook Comments