Pangulong Duterte, masayang sinalubong ng mga Pinoy sa Myanmar

14
Manila, Philippines – Masayang sinalubong ng mga pinoy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating nito sa horizon lake view resort sa pagdating nito sa Myanmar.
 
Lumapag ang eroplano ni Pangulong Duterte at kanyang delegasyon sa Nay Pyi Taw International Airport dakong alas 7:40 kagabi, oras sa Pilipinas at sinalubong ito ng simpleng seremonya sa paliparan.
 
Si Philippine Ambassador to Myanmar Alex Chua at mga opisyal ang sumundo sa pangulo at naghatid dito sa horizon lake view resort kung saan siya inabangan ng nasa 200 mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa Yangon.
 
Nasa myanmar ang pangulo, para lumagda ng ilang kasunduan at mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
 
Pagkatapos nito ay sunod na bibisitahin ng pangulo ang Thailand.
 
 RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments