Pangulong Duterte, mataas ang pamantayan sa papalit kay Taguiwalo sa DSWD

Manila, Philippines – Hindi pa makapagbigay ang Palasyo ng Malacañang ng pangalan kung sino ang maaaring ipalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Matatandaan kasi na ni-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments si Taguiwalo pero hindi naman naglabas ng dahilan ang CA kung bakit nila ibinasura ang appointment ni Taguiwalo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mahirap aniyang pagpapasiya kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang papalit kay Taguiwalo.


Mayroon kasi aniyang sinusunod na standard ang Pangulo kung ang pag-uusapan ay ang pagpili sa magiging miyembro ng kanyang Official Family.
Good luck naman ang mensahe ng Malacañang kay Taguiwalo sa anomang gagawin nito sa hinaharap.

Facebook Comments