Pangulong Duterte, matagal nang may kutob na aatake ang terorista sa bansa

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi Maute ang kalaban ng Gobyerno sa Marawi kundi purong ISIS.

Sinabi ng Pangulo na ginamit lang ng ISIS ang magkapatid na Maute para makapaghasik ng gulo sa bansa.

Matagal narin aniya niyang alam na may mangyayari sa bansa matapos niyang malaman na itinalaga na bilang Emir ng ISIS ang lider ng Abu-sayyaf na si Isnilon Hapilon sa timog silangang asya.


Kay naman sinabi ng Pangulo na matagal nang Pinlano ng mga teroristang grupo ang pagatake sa Marawi.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na bukod sa pondo mula sa iligal na droga ay pinopondohan din ng international terrorist ang mga terorista sa bansa.

Matatandaan na sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na noong enero pa nagpapasok ng armas ang Maute sa Marawi bilang paghahanda sa kanilang pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments