Pangulong Duterte, may hawak ng listahan ng ninja cops, impormasyon ng senado, ibibigay sa kanya ngayong gabi

Ayon kay Senator Christopher Bong Go, may hawak ng listahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa pagrecycle ng mga nasasabat na ilegal na droga.

 

Sabi ni Go, ang nabanggit na listahan ay pinavalidate na ng Pangulo sa Intel at Law Enforcement Agency.

 

Diin ni Go, gusto ng Pangulo an iaanunsyo sa publiko kung sino ang nabanggit na mga ninja cops.


 

Binanggit din ni Go na mamayang gabi ay pupulungin ni Pangulong Duterte ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agence o PDEA at Philippine National Police ukol sa ninja cops.

 

Sabi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, target nila na ngayong gabi ay maipadala na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang impormasyong ibinigay sa kanila ni dating CIDG Chief Benjamin Magalong ukol sa mga ninja cops.

 

Inaasahan ni Gordon na sa lalong madaling panahon ay iaanunsyo ni Pangulong Duterte sa lalo madaling panahon ang mga sinsabing ninja cops.

 

Ayon kay Gordon, halos isang dosena ang pangalan ng ninja cops na ibinunyag ni mayor magaling sa isinagawa nilang executive session.

Facebook Comments