Asahan ang pagkakaroon ng veto message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang 2021 pambansang budget.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na may ilang line veto items sa budget ang Pangulo base sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM).
Tumanggi naman si Roque na banggitin kung aling line item provisions ng national budget ang ivi-veto ng Pangulo.
Samantala, sa Lunes, Disyembre 28 nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang 2021 pambansang budget.
Facebook Comments