Pangulong Duterte, may kondisyon sa mga magsasagawa ng kilos-protesta sa kanyang SONA sa Hulyo

Manila, Philippines- Naglatag ng mga kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga magsasagawa ng kilos-protesta sa kanyang ikatlong sona sa Hulyo.

Ayon sa Pangulo, bagaman at malaya ang lahat na maglabas ng saloobin, wala aniyang karapatan ang sinuman na manggulo.

Kapag sinamahan ng panggugulo ang anumang uri ng kilos-protesta, kakaharapin anila ng mga ito ang pwersa ng pamahalaan.


Sa mga naunang pahayag ng Pangulo, sinabi niyang malaya ang mga Pilipino na maglabas ng opinyon lalo na sa mga ipinatutupad na polisiya ng administrasyon.

Gayunman, hindi raw niya palalampasin ang mga dayuhang mang-aalipusta sa kanya.

Ang (SONA) ng Pangulo ay ginagawa tuwing ikatlong Lunes ng Hulyo kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kamara at Senado.

Facebook Comments