Pangulong Duterte, may mga sisibakin pa sa PhilHealth

Hindi pa natatapos ang sibakan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaya mayroon pa ring mga masisipa sa kanilang pwesto.

Bukod dito, sinabi rin ng Pangulo na marami na siyang tinaggal sa pwesto mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.


Matatandaang ipinag-utos PhilHealth President Dante Gierran ang paghahain ng courtesy resignation ng senior vice presidents ng ahensya kasunod na rin ng pahayag ng Pangulo na dapat magkaroon ng balasahan sa PhilHealth.

Facebook Comments