Umaasa ang Malacañang na hindi gagawa ng desisyon ang Nayong Pilipino Foundation (NPF) na tataliwas sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos magbitiw sa pwesto si Lucille Karen Malilong-Isberto bilang executive director ng NPF kasunod ng planong pagpapatayo ng Mega COVID-19 Vaccination Facility sa Nayong Pilipino sa Parañaque City.
Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang NPF ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) at nasa ilalim pa rin ng pamamahala ni Pangulong Duterte.
Ang pagpapatayo ng vaccination facility ay may legal na batayan.
Sa ngayon, hindi pa makumpirma ng Palasyo kung tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw ni Isberto.
Nabatid na tutol ang NPF sa pagpapatayo ng vaccination facility dahil maraming puno ang matatamaan nito.