Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino kasabay ng nalalapit na pagdaraos ng 2022 national election.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi lamang dapat bright at brilliant candidate ang katangian ng mga kandidatong dapat iboto sa eleksyon kundi maging ang pagiging ordinaryo.
Karapat-dapat kasi aniya ang mga ito na bigyang pagpapahalaga upang maipagpatuloy ang nasimulan ng administrasyon.
Matapos naman ang pag-anunsyo ni Pangulong Duterte ng pagreretiro niya sa pulitika ay sinabi ng pangulo na karapat-dapat na iboto si Senator Christopher Bong Go bilang pangalawang pangulo ng bansa.
Ito lang kasi ang best person na tutulong sa sinumang magiging susunod na pangulo ng bansa para sa legasiya nito.
Facebook Comments