Pangulong Duterte, may Talk to the People ngayong gabi

75

Magkakaroon muli ng Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Nabatid na ito ang una sa dalawang public address ng chief executive para sa linggong ito.


Asahang makakasama ng pangulo ang mga miyembro ng kanyang gabinete na mag-uulat sa bayan patungkol sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Roque sa kanyang panig, iuulat niya kay Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng implementasyon ng alert level system sa iba pang panig ng bansa.

Facebook Comments