Pangulong Duterte, may ‘Talk to the People’ ulit mamayang gabi

May part 2 ang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa kalihim hindi niya tiyak kung ito ay ieere rin mamayang gabi o posibleng bukas na ng umaga, depende sa kalalabasan ng pulong nila sa Inter Agency Task Force (IATF).


Nitong Miyerkules lamang nang iere ang ‘Talk to the People’ ng Pangulo kung saan hindi nakaligtas si Sen. Richard Gordon dahil sa hindi nito pagsusumite ng annual report ng Philippine Red Cross sa Office of the President.

Matatandaang una nang sinabi ng punong ehekutibo na dalawang ulit na siyang haharap at mag-uulat sa publiko sa pamamagitan ng kanyang ‘Talk to the People’.

Aniya, sa dami ng isyu na ipinupukol ng mga kritiko ay kailangan niya itong sagutin sa harap ng taumbayan.

Lalamanin din nito ang ulat ng mga gabinete hinggil sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments