Pangulong Duterte, mayroong “Myasthenia Gravis”

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang “myasthenia gravis” – isang sakit na nagdudulot ng panghihina ng mga muscle.

 

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Moscow, Russia.

 

Nakuha raw niya ang sakit mula sa kanyang lolo.


 

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang pangulo sa publiko tungkol sa kanyang medical condition.

 

Una nang inamin ng pangulo na mayroon siyang buerger’s disease at misaligned spine na nakuha niya matapos maaksidente sa motorsiklo.

Facebook Comments