Pangulong Duterte, muling binanatan ang mga kritiko ng war on drugs

Manila, Philippines – Walang pinipiling estado sa buhay ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra-droga.

Sa kanyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Department of Justice kagabi, tinawag ng pangulo na “organized crime” ang kalakalan ng droga sa bansa.

Kaya kahit mahihirap ay hindi aniya exempted sa kanyang war on drugs.


Sa kabila nito, iginiit ng pangulo na hindi niya pinapayagan ang pagpatay sa mga bata at mga sumuko na.

Muli ring binanatan ng pangulo ang mga kritiko ng kanyang giyera kontra-droga.

Aniya, ayos lang kahit gawin pang isyu ang Extra Judicial Killings sa loob ng kanyang buong termino dahil hindi naman na siya tatakbo sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments