Pangulong Duterte, muling hinamon ang kaniyang mga kritiko na patunayan na mayroon siyang bank account sa Hong Kong

Manila, Philippines – Muling hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritiko na patunayang may bank account siya Hong Kong.

Sa kaniyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Department of Justice (DOJ), sinabi niya sa kaniyang mga kritiko na magharap ng ebidensyang mayroon siyang foreign deposit kahit isang dolyar lamang at magbibitiw ito bilang pangulo.

Giit pa ng pangulo, may sarili naman silang pera mula sa kanilang mana sa kanilang magulang.


Kasabay nito, inungkat rin ng pangulo ang ibinayad nilang P2 milyon sa isang tv network para ipalabas ang kaniyang campaign ad.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi naman lahat ang bumabatikos sa kaniya ay kaaway niya.

Facebook Comments