Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna niya ibababa sa Alert Level 0 ang bansa hangga’t marami pa ring lugar ang nakakapagtala ng mga kaso ng COVID-19.
Sa kabila ito ng panawagan ng ilang sektor na ilagay na sa new normal ang bansa upang tuluyan nang sumigla ang ating ekonomiya.
Sa kaniyang Talk to The People kagabi, sinabi ng pangulo na hindi muna niya tatanggalin ang alert level lalo na’t may mga banta pa rin ng mga bagong variant.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at 197 pang lugar sa bansa.
Kahapon, nasa 276 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na pinakamababa mula noong Enero 4, 2022 habang nasa 33, 629 naman ang bilang ng aktibong kaso.
Facebook Comments