Pangulong Duterte, muling ipinagmalaki ang naiambag na tulong ng mga medical healthworker ngayong pandemya

Patuloy na kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking tulong ng mga healthcare worker sa nakalipas na dalawang taong COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa pagdalo ng pangulo sa pagbubukas ng bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital kahapon, pinasalamatan nito ang lahat ng personnel at staff na umalalay sa mga nanay at mga bagong silang na sanggol sa nagdaang dalawang taon.

Ayon sa pangulo, ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic ang siyang nagbukas sa ating kamalayan sa kahalagahan ng healthcare system.


Kasunod nito, umaasa si Pangulong Duterte na ang bagong bukas na ospital ay patuloy aniyang magbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa healthcare, maternal at neonatal services para sa mga nanay at mga bagong silang na sanggol sa mas marami pang henerasyon.

Facebook Comments