Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Kapaskuhan.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” hinimok ng lahat na sundin ang mga patakarang itinakda ng gobyerno para maiwasan ang pagkakaroon ng surge o pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Kaunting panahon na lamang aniya ang bubunuin at malapit nang magkaroon ng bakuna.
Payo pa ng Pangulo na maghinay-hinay muna sa nakagawiang pamamasko.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na dadagdagan ang mechanical ventilators at isolation beds bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng kaso.
Para naman kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kapag naging matagumpay ang mga negosasyon ay maaaring ilunsad sa unang tatlong buwan ng 2021 ang mga bakuna ng Sinovac ng China at Gamaleya ng Russia.
Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mandatoryong pagsusuot ng face mask at face shields sa labas ng bahay.