Pangulong Duterte, nabakunahan na ng Sinopharm vaccine

41

Nagpabakuna na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine kagabi.

Sa video na inilabas sa Facebook page ni Senador Bong Go, makikita si Health Secretary Francisco Duque III na siyang nagturok ng bakuna sa pangulo.


Bago ito tinurukan ay kinumusta muna ni Duque ang Pangulo na sinagot naman nito na maayos ito.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na matagal na niyang hinihintay na mabakunahan pero kinakailangan pa aniyang hintayin ang assessment ng kanyang doktor, na pinili ang Sinopharm vaccine.

Sa ngayon, wala pang Emergency Use Authorization (EUA) na inisyu ang Food and Drugs Administration para sa Sinopharm vaccine pero mayroon itong Compassionate Special Permit (CSP) na ibinigay sa Presidential Security Group (PSG).

Facebook Comments