Pangulong Duterte, nag-alok ng tulong ng pamahalaan sa pamilya Aquino

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ang pamahalaan ng tulong sa pamilya ng namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, ikinalulungkot ni Pangulong Duterte ang biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Aquino.

Nagpapasalamat si Pangulong Duterte kay PNoy sa kanyang serbisyo para sa bansa.


Umaasa si Pangulong Duterte na magsilbing inspirasyon para sa lahat ng mga Pilipino ang legasiya ni PNoy.

Ipinapaabot din ni Pangulong Duterte ang pakikiramay sa pamilya Aquino at tiniyak na ibibigay ng pamahalaan ang kinakailangan nilang tulong sa panahong ito.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang isang talata sa Banal na Bibliya at inihayag na hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang buhay.

“Ecclesiastes 3. And the long and short of the message there is there is always a time for everything in this planet,” sabi ni Pangulong Duterte.

“So whatever it is we will always have our appointed time. So sometimes we just take for granted life, but in times like these lalo na kilalang presidente, we always put on notice of our mortality in this world that also we cannot last forever,” dagdag pa ng Pangulo.

Facebook Comments