Pangulong Duterte, nag-back out sa hamong debate kay dating SC SAJ Carpio

Imbes na si Pangulong Rodrigo Duterte, si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang haharap sa debate kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Roque, siya ang inatasan ni Pangulong Duterte na humarap sa debate laban sa dating mahistrado ng Korte Suprema.

Paliwanag nito, pinayuhan kasi ang Presidente ng mga miyembro ng gabinete kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Senate President Tito Sotto at Senator Koko Pimentel na huwag na nitong ituloy ang pakikipag-debate kay Carpio.


Maaari kasing may masabi ang Pangulo na pwedeng makompromiso ang ating national security.

Bilang kanyang kahalili, si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang haharap at makikipag-debate kay Carpio.

Sinabi ng kalihim na hindi kasi magiging patas kay Carpio na makaharap sa debate ang Pangulo, kaya para tabla ay siya mismo ang haharap sa isang ordinaryong abogado.

Sabihan lamang siya ng Philippine Bar Association kung saan at kailan ang debate at agad siyang sisipot dito.

Facebook Comments