Japan – Bago bumalik ng Pilipinas, nag-courtesy visit si Pangulong Rodrigo Duterte kina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan sa Imperial Palace.
Kasama ni Duterte ang kaniyang common-law wife Honeylet Avanceña.
Ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa Japanese Imperial Couple para sa pagbisita nila sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Tumagal ng dalawangpu’t limang minuto ang pakikipag-usap nina Duterte sa Imperial couple.
Ayon sa ulat ng NHK, nagpasalamat rin ang imperial couple sa ibinigay na tulong ng Pilipinas noong 2011 earthquake at tsunami sa Japan.
Facebook Comments