Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maturukan ng Sinopharm vaccine, na hindi pa naaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa kanyang Talk to the Nation Address, aminado ang Pangulo na hindi pa dumaan sa FDA ang nasabing Chinese vaccine.
Inaako ni Pangulong Duterte ang responsibilidad hinggil dito.
Pero paliwanag niya na halos 55 health experts ang kumausap sa kanya at nagsabing mapanganib na gamitin ang Sinopharm vaccine.
Iginiit naman ng Pangulo na pinagkalooban naman ang bakuna ng compassionate use permit (CSP).
Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na gusto niya ang Sinopharm vaccine para sa kanya, kanyang pamilya, at ilang miyembro ng Gabinete.
Facebook Comments