Pangulong Duterte, nagbabala muli sa mga pulis na huwag pumasok sa illegal drug trade

Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na huwag papasok sa illegal drug trade.

Pinaaalahanan ng Pangulo ang mga pulis na gampanan ang kanilang trabaho na naaayon sa batas.

Babala niya, kapag nalaman niyang sangkot ang mga ito sa ilegal na droga ay sila ang unang mamamatay.


Iginiit din ng Pangulo na hindi niya papayagang makapag-operate ang Foreign Narcotics Trade sa bansa.

Kailangan ng bansa ang mga kabataang susunod na magiging lider at alagaan ang kanilang nakatatatanda.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mahabang panahon pa ang kailangan para resolbahin ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments