MANILA – Posibleng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law kung lumala pa ang problema ng bansa laban sa iligal na droga.Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi siya magdadalawang isip na magdeklara ng martial law kung kinakailangan.Aniya, walang makakapigil sa kanya para ideklara ito at maging ang Korte Suprema ay walang magagawa kapag ipinatupad niya ito.Sa ilalim ng kasalukuyang konstitusyon, maaaring magdeklara ang pangulo ng martial law o batas militar kapag may pananakop o rebelyon sa bansa.Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi niya layunin na ideklara ang martial law para pahabain ang kaniyang termino.
Facebook Comments