Pangulong Duterte, nagbabala ng pagdedeklara ng Revolutionary Government sa mga nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte posibilidad na mapilitan siyang magdeklara ng Revolutionary Government hanggang matapos ang kanyang termino sakaling lumala pa ang mga ginagawang destabilisasyon ng ilang grupo laban sa kanyang administrasyon.

Sa interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na nakababahala na ang ginagawang panggugulo o pambubulabog ng nga grupong ito na kumakalaban sa pamahalaan.

Iginiit naman ni Pangulong Duterte na sakaling hindi tumigil ang mga grupong ito at magpumilit na pabagsakin ang pamahalaan ay mapipilitan siyang magdeklara ng revolutionary government at ideklara na ang lahat ng posisyon sa gobyerno na bakante.


Kapag aniya ito ay nangyari ay ipaaaresto niya ang mga kumakalaban at naghahasik ng kaguluhan sa pamahalaan.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi siya nananakot at gusto lamang niyang ubusin ang mga tao o grupong hindi nakatutulong sa pagunlad ng bansa.

Itinuro naman ni Pangulong Duterte ang CPP-NPA-NDF na isa sa mga grupong aktibo sa destabilisasyon sa gobyerno.

Facebook Comments