Pangulong Duterte, nagbabala sa mga landlord na pwersahang maniningil ng bayad sa renta ng kanilang tenants

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga landlord na huwag piliting magbayad ng renta ang kanilang mga tenants.

Sa press briefing na ini-ere kaninang madaling araw, sinabi ng Pangulo na dapat maunawaan ng mga nagpapa-upa na nawalan din ng kita ang kanilang tenants mula nang ipatupad ang lockdown.

Babala ng Pangulo, hindi siya magdadalawang isip na lumabag sa batas para protektahan ang mga tenant sa panahong ito.


“Walang pilitan kasi talagang mag-e-engkwentro tayo. Hindi talaga ako papayag. Huwag ninyo akong pilitin to go against the law because if the law says that you are entitled to this and that but it will work sa kapwa tao mo ngayon, biruin mo e i-pressure mo paalisin. Sabi ko, maghanap ka ng panahon sa buhay mo.”

Una nang nagpatupad ng 30-day grace period ang Department of Trade and Industry (DTI) sa paniningil ng renta sa mga residential at commercial tenants.

Facebook Comments