Pangulong Duterte, nagbabala sa posibleng spill over ng gulo sa Marawi sa ibang bahagi ng Mindanao

17

Mindanao, Philippines – Nagbababala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng spill over ng gulo sa Marawi sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa kanyang talumpati sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro City, inamin ng Pangulo na mahirap talagang kalaban ang Maute Terror Group.

Maaari rin aniyang mauwi sa civil war ang gulo kung hindi agad masusugpo ang teroristang grupo.

Muli ring binanatan ni Duterte ang mga bumabatikos sa deklarasyon niya ng martial law sa buong Mindanao.

Aniya, kung hindi siya nagdeklara nito, mas malaking gulo ang maaaring mangyari sa rehiyon.

Facebook Comments