Pangulong Duterte, nagbabala sa publiko laban sa pagbili ng face masks online

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko laban sa pagbili ng mga face mask online sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa taped briefing ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ng Pangulo na posibleng ilan sa mga nagbebenta ng face mask online ay scam.

Payo niya sa mga mahilig bumili online, maging maingat dahil panahon ngayon ng lokohan.


“‘Yong mga online scam ngayon, susmaryosep. Do not go for that kind of s—. Do not fall for that thing online, online. It has never been perfected. And all these scams that man could think of that they can perpetuate on the innocent public, pinag-aralan nila ‘yan,” pahayag ni Duterte.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga online seller na ihuhulog niya sa Ilog Pasig kapag hindi tumigil sa panloloko sa kanilang customers.

“Talian ko ‘yong paa ninyo, pati kamay ninyo. Saksakan ko ‘yang bunganga ninyo no’ng medyas ninyo mabaho. Limang araw na walang laba. Tapos talian ko ng panyo. Ihulog kita sa Pasig,” dagdag ng Pangulo.

Nabatid na sa ilalim ng kasalukuyang health protocol, required ang lahat na magsuot ng face mask lalo na kung lalabas ng bahay para pumasok sa trabaho o bumili ng mga essential goods.

Facebook Comments