Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na paigtingin ang mga hakbang nito para mahuli ang mga indibiduwal na ginagamit ang kanyang pangalan at ibap ang miyembro ng gabinete para mapabilis ang kanilang transaksyon sa pamahalaan.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, tinawag ni Pangulong Duterte ang NBI na dalhin ang mga extortionist sa Malacañang bago sila dalhin sa korte.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga taong ginagamit ang kanilang pangalan na nag-aalok ng mabilis na transaksyon kapalit ng pera dahil hindi nila pinagbibigyan ang mga ganitong uri ng maling gawain.
Payo pa ng Pangulo sakaling nagbigay ng pera ang isang indibidwal sa extortionist, dapat undayan niya ito ng saksak.
Kadalasan aniya ay pumapayag siyang kumuha ng litrato sa mga tao lalo na kapag kampanya pero ginagamit din ng mga tao ito para sa name-dropping schemes.