Pangulong Duterte, nagbantang papatayin ang mga kaibigang sangkot sa iligal na droga

Walang sasantuhin si Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, handa siyang pumatay ng mga taogn gustong sirain ang bansa gamit ang ilegal na droga kahit sila pa ay kanyang kaibigan.

Dagdag pa ng Pangulo na maraming buhay ng mga sundalo at pulis ang nabubuwis dahil sa drug war.


Aniya, wala siyang nakikitang mali sa kanyang panibagong banta at maging ang kanyang mga kritiko ay hinamon niya na maghanap ng batas na magpipigil sa kanya sa paglalabas ng nasabing pahayag.

Muli sinabi ni Pangulong Duterte na maraming nasirang pamilya dahil sa ilegal na droga.

Tungkulin niyang protektahan ang bansa at pagsilbihan ang mga Pilipno.

Aminado si Pangulong Duterte na walang katapusan ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya haharap sa International Criminal Court (ICC) sakaling umpisahan nila ang imbestigasyon ukol sa crimes against humanity sa pagpapatupad ng war on drugs.

Facebook Comments