Pangulong Duterte, nagbigay ng amnesty sa mga miyembro ng communist at rebel group

Binibigyan ng isang taon para maghain ng amnesty sa pamahalaan ang mga miyembro ng apat na rebel at communist organizations na nakagawa ng krimen bunsod ng kanilang paniniwalang pulitikal.

Ito ay matapos ipagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng Proclamation No. 1090; mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilalim ng Proclamation No. 1091; mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/ Revolutionary Proletarian Army / Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) sa ilalim ng Proclamation No. 1092; at mga dating rebelde ng communist terrorist group sa ilalim ng Proclamation No. 1093.

Ang apat na amnesty proclamations ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong February 5, ay magiging epektibo kapag ito ay pinaboran ng mayorya ng mga miyembro ng Kongreso.


Ang amnestiya ay hindi ipagkakaloob sa mga kinasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.

Hindi rin sakop ng amnestiya ang mga krimen tulad ng kidnap-for-ransom, massacre, rape, terrorism, grave violations sa Geneva Convention of 1940, genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforces disappearances at iba pang gross violations sa human rights.

Facebook Comments