Personal na binisita at kinamusta ni Pangulong Duterte ang mga kababayan nating naapektuhan ng nagdaang Bagyong Odette sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Makaraang mabigyan ng situation briefing ang Pangulo, nagbigay naman ito ng ilang direktiba sa national at local government units upang agad na matugunan ang pangangailangan ng ating mga apektadong kababayan sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Inaatasan nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy na magbigay ng family food packs, water and shelter assistance.
Ang Department of Human Settlements and Urban Development at the National Housing Authority (DHSUD) naman ay naatasang magkaloob ng housing assistance lalo na sa mga partially at totally damaged ang mga kabahayan.
Habang ang Department of Trade and Industry (DTI) ang sisiguro na mababantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at hindi ito masasamantala.
Ang Department of Agriculture (DA) naman ang maggagawad ng agricultural assistance sa mga naapektuhang farmers and fisherfolk.
Samantala, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naatasang linisin kaagad ang mga road blockades tulad ng mga nabuwal na puno at iba.
Ang Department of Energy ay dapat magdoble kayod upang agad na maibalik ang power supply at ang Department of Information and Communications Technology ay dapat siguraduhin ding maibabalik sa lalong madaling panahon ang mobile signal at internet connectivity
Kasunod nito, nangako ang Punong Ehekutibo na kakalap ng P10-Billion para sa rehabilitation and recovery efforts para sa mga matinding hinagupit ng Bagyong Odette.