Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng International Women’s Day.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na kanyang ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng gender equality maging ng women empowerment sa bansa ito man ay mapapulitika, sa larangan ng negosyo, academe, local communities at sa kanya-kanya nating mga tahanan.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa panahon ngayon na nagtatagumpay na ang mga babae sa iba’t ibang larangan nangangahulugan lamang ito na mahalaga ang mga kababaihan bilang katuwang sa nation building.
Naniniwala ang pangulo na marami pang magagawang kapaki-pakinabang ang kababaihan para sa patuloy nating pagtamasa sa edukasyon, impormasyon, at innovation.
Marami pa aniyang mga kababaihan ang inaasahang magkakaroon ng pagkakataon para makasali sa maraming aspeto ng human development.
Kaya panawagan ng pangulo sa mga Pilipino, magkaisa sa pagbuo ng bansa kung saan walang maiiwan bagkus bawat isa ay may kapasidad na magtagumpay.