Manila, Philippines – Idineklara na kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao kasama ang lalawigan ng Basilan at Tawi-Tawi.
Ito’y kasunod ng pagsalakay ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – iiral ang batas militar sa loob ng 60 araw para kontrolin ang sitwasyon.
Kasabay nito, pinag-iingat ni Abella ang mga residente sa Mindanao partikular sa marawi at makipagtulungan sa mga otoridad.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – nagdesisyon na rin ang pangulo na tapusin ang kanyang pagbisita sa russia at uuwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Tiniyak din ni Cayetano na susundin ni Pangulong Duterte ang mga nakasaad sa konstitusyon sa pagdedeklara ng martial law.
Samantala, kinumpirma ng Malakanyang na pabalik na ng Pilipinas si Pangulong Duterte.
Tinatayang nasa 12 oras ang deretsong biyahe ng pangulo pabalik ng manila at inaasahang makakarating siya mamayang alas-singko ng hapon.
DZXL558