Pangulong Duterte, nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw

Manila, Philippines – Magiging simple lamang ang pagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-72 kaarawan, ngayong araw (March 28).
 
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naging tradisyon na ng pangulo na ipagdiwang ang kanyang birthday ng walang anumang ingay at walang magarbong handaan.
 
Ngayong araw, ilalaan ng pangulo ang kanyang oras para makasama ang kanyang pamilya at malalapit lamang na kaibigan.
 
Una ng sinabi ng pangulo na ang kanyang birthday wish ay magkaroon ng maraming oras sa pamilya, lakas at magandang kalusugan para magawa ang mga trabaho sa gobyerno.
 
Birthday wish naman ng tagapagsalita sa pangulo, matupad ang pangarap ng punong ehekutibo para sa ninanais nito para sa mga pinoy.
 
Sa panig ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, magkaroon pa ng mas mahaba-habang panahon para sa kanyang sarili at makamit ang maliliit at simpleng mga bagay na makapag-papaligaya sa kanya.
 

Facebook Comments