Pangulong Duterte naghahanap na ng papalit kay NYC Chairperson Ronald Cardema

Inihayg ng Palasyo ng Malacanang na naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Ito ay matapos magsumite ng petisyon sa Commission on Elections na palitan ang kanyang asawa bilang First Nominee ng Duterte Youth Partylist na nakapasok sa nakaraang halalan.

Una nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo matapos magsumite ng petisyon si Cardema sa COMELEC ay otomatiko na itong nagbitiw sa kanyang posisyon o iniwan na nito ang pagiging Chairman ng NYC.


Sinabi ni Panelo na sa ngayon ay naghahanap na si Pangulong Duterte ng papalit kay Cardema sa NYC at agad na magtatalaga sa oras na makakita ng personalidad na makakamit ang kinakailangang kwalipikasyon para maupo sa nasabing posisyon.

Nabatid na tinatalakay parin ng COMELEC ang legalidad ng substitution ni Cardema sa kanyang asawa dahil batay sa isang resolusyon ng COMELEC ay hindi maaaring mag withdraw ang isang nominado ng partylist kapag tapos na ang halalan.

Facebook Comments