Cagayan de Oro – Naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng pondo para sa mga armas na gagamitin ng mga kapitan ng barangay bilang bahagi ng kampanya kontra kriminalidad.
Sa talumpati ni Duterte sa oath taking ng mga newly elected Northern Mindanao barangay captains sa Cagayan de Oro, ikinukunsidera niya ang pagbili ng shotgun o .22 magnum handguns para sa mga barangay officials para sa kanilang proteksyon.
Tiniyak ng Pangulo na bago ibigay ang armas ay sasailalim muna ang mga opisyal ng barangay sa mga seminars kung paano ito gamitin bilang ‘self-defense’.
Aminado ang punong ehekutibo na kailangan ng gobyerno ang tulong ng mga barangay officials para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng bawat mamamayan.
Facebook Comments