Pangulong Duterte, naging tapat lamang tungkol sa narco list – Palasyo

Photo Courtesy: PCOO

Nanindigan ang Malacañang na nagsasabi lamang ng katotohanan si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niyang hindi siya ang bumuo ng listahan ng mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Matatandaang itinanggi ng Pangulo na may kinalaman siya sa pagbuo ng narco list kasunod ng pagpaslang kay Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez na kabilang sa 46 narco politicians na pinangalanan niya noong 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang listahan ay mula sa intelligence community.


Dagdag pa ni Roque, tumugon lamang ang Pangulo sa pahayag ng Pamilya ni Mayor Perez na napatay ang alkalde dahil sa pagkakasama nito sa narco list.

Bago ito, sinabi ni Human Rights Watch Deputy Asia Director Phil Roberston na ginagamit ng Pangulo ang listahan bilang political tool para i-intimidate ang mga tao lalo na ang mga pulitikong kontra sa kanya.

Facebook Comments