Pangulong Duterte, naglaan ng cash incentives para sa mga atleta na mananalo mula sa Region 11

Manila, Philippines – Naglaan ng cash incentives si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga atleta ng Region 11 na mananalo sa Palarong Pambansa na ginaganap sa Antique.

Ayon kay Pangulong Duterte – tig-limampung libong piso ang kanyang ibibigay na reward.

Aminado ang Pangulo na hahanapan pa niya ng pondo ang pagbibigay ng cash incentives.


Pabiro pang sinabi ng Pangulo na oras na matapos na ang Palarong Pambansa ay magkakatay siya ng dalawang daang baka para makasama sa isang salu-salo ang mga atleta ng region 11.

Ang region 11 ay binubuo ng anim na probinsya na kinabibilangan ng Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, South cotabato At Sarangani at mga siyudad na Davao, Digos, Panabo, Tagum, Samal, General Santos at Koronadal.

Facebook Comments