Pangulong Duterte naglabas ng paglilinaw sa isang lumalabas na usapin sa Bacolod City

Humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa social media para linawin ang isang issue kung saan ginagamit umano ang kanyang pangalan para siraan ang isang kandidato sa Bacolod City.

Sa isang Video na inilabas sa kanyang official facebook page ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kasama sa kanyang inilabas na Narco List si Bacolod Mayor Evelio Leonardia.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi patas na gamitin ang kanyang pangalan para masira ang pangalan ng isang pulitiko lalo pat wala namang katotohanan ang ipinaparatang.


Sa naturang video naman ay binanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan na Mayor Monico na sinasabing nasa likod ng pag-edit ng kanyang mga talumpati para palabasin na kasama si Leonardia sa Narco List.

Pinayuhan din ni Pangulong Duterte si Monico na ihinto na ang ganitong gawain dahil hindi niya ito nagugustuhan.

Facebook Comments