Nagtakda ang pamahalaan ng tatlong punto na kailangang gawin para sa ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes.
Nabatid na ipapatupad pa rin ang blended learning sa darating na School Year 2021-2022na opisyal na magbubukas sa September 13.
Sa kanyang final report na inilabas ng Malacañang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat tingnan ang COVID-19 situation sa komunidad at pagsunod ng mga eskwelahan sa health regulations.
Nananatiling committed aniya ang pamahalaan para magbigay ng dekalidad na edukasyon sa harap ng pandemya pero ipaprayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.
Ang tatlong criteria para sa maayos na pagbabalik ng face-to-face classes:
1. Community COVID Risk Assessment driven
2. School-based Readiness for Health Standards
3. Shared Responsibility
Una nang tinutulan ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes dahil pa rin sa banta ng COVID-19 at mga variants.