Nagpa-alala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Units (LGUs) na kumuha ng clearance mula sa drug regulators para sa kanilang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Katwiran kasi ng Pangulo, mandatory requirement ito.
Hindi niya kokontrahin ang mga LGU na bibili ng sarili nilang bakuna pero kailangan nilang tiyakin na ang mga vaccine supplies at pumasa sa pamantayan ng Food and Drug Administration (FDA).
Muli ring iginiit ni Pangulong Duterte na libre ang pagpapabakuna ng gobyerno lalo na sa mga mahihirap at unipormadong tauhan ng gobyerno.
Ang ilang LGU ay pribadong kumpanya ay lumagda na ng supply deal para sa karagdagang 17 million doses mula sa British pharmaceutical company na AstraZeneca.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya manghihimasok sa vaccine purchase ng mga LGU at pribadong sektor lalo na kung may pondo sila para dito.
Sa ngayon, tanging coronavirus vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech ang inaprubahan para sa emergency use sa bansa.
Ang iba pang applications para sa ibang brands ay nananatiling nakabinbin sa FDA.