Pangulong Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng napaslang na Los Baños mayor pero dumistansya sa pagkakasama nito sa narco-list

Ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang simpatya sa pamilya ng napaslang na si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez pero dumistansya sa pagkakasama nito sa listahan ng mga pulitikong sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ Address, iginiit ni Pangulong Duterte na ang mga law enforcers ang naglagay kay Perez sa narco-list.

Aniya, hindi siya ang gumawa ng listahan at binabasa lamang niya ito na mula sa pinagsama-samang intelligence reports ng drug enforcement, military at police.


Dagdag pa ng Pangulo, hindi niya personal na kilala si Perez at wala siyang maalalang nabasa niya ang pangalan ng alkalde sa listahan.

Ang pagsasapubliko ng narco-list ay tungkulin niyang ipagbigay-alam ito sa publiko.

Maaari aniyang hindi sangkot sa ilegal na gawain si Perez kung naniniwala ang pamilyang inosente ang alkalde.

Si Perez ay binaril ng mga hindi nakikilalang suspek sa loob ng munisipyo noong Huwebes ng gabi.

Facebook Comments