Pangulong Duterte, nagpaabot ng pasasalamat sa DBM sa pag-aksyon kontra oil price hike

Ikinagalak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging aksyon ng Department of Budget and Management (DBM) para makabawas kahit paano sa kalbaryo ng mga tsuper ng public transportation ngayong walang humpay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napapanahon ang aksyong ginawa ng Development Budget Coordination Committee na magbigay ng cash grants sa mga kuwalipikadong public utility vehicle drivers.

Paliwanag ni Roque na hindi man maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at langis ay pilit naman aniyang iniibsan ng pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga nasa sektor ng transportasyon.


Tiwala aniya ang Malakanyang na maipapamahagi sa mga kinauukulan ang 1 billion fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program sa natitirang buwan ng 2021.

Ipadadaan aniya ito sa Landbank na rekta ng idi-distribute sa cash card na inisyu sa mga pampublikong tsuper sa bansa.

Facebook Comments