Pangulong Duterte, nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa malawakang bakunahan

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papel ng mga lokal na pamahalaan, private sector, mga volunteer, at ng publiko sa pagiging matagumpay ng katatapos lamang na Bayanihan, Bakunahan Days.

Sa mensahe ng pangulo sa isang recognition ceremony sa Mandaluyong, pinasalamatan nito ang lahat ng naging bahagi ng nationals vaccination campaign.

Aniya, hindi lamang inilapit ng kaganapang ito ang pamahalaan sa target na maabot ang population proteksyon laban sa COVID-19, bagkus ay pinatunayan rin nito kung ano ang mga kayang makamtan ng Pilipinas, kung magkakaisa ang mga Pilipino.


Nagpasalamat din ang pangulo sa mga Local Government Unit (LGU) na nagawang lampasan ang kanilang target na bilang ng mababakunahan.

Binati rin ng pangulo ang mga LGUs na napataas ang bilang ng kanilang daily jabs.

Kaugnay nito, humiling si Pangulong Duterte na sa ikalawang pagkakataon, muling ipamalas ng lahat ang kooperasyon at pagsuporta sa susunod na National Vaccination Days na gaganapin sa Dec 15-17.

Facebook Comments